In high spirits ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo dahil nakaisang taon na ang weekly comedy anthology show niyang Dear Uge sa GMA-7.
Hindi inasahan ni Uge na aabot sila ng one year dahil one season lang ang pinirmahan niya. Pero dahil consistent top-rater ang show kaya umabot na sa first anniversary.
“Salamat sa tiwala na binigay nila. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinagkatiwalaan ako ng original concept ng creative team ng GMA para sa Dear Uge.
“Natutuwa ako na ang ganda ng feedback ng audience plus lahat ng artista na nag-gu-guest sa amin. Salamat sa tiwala.
”Umabot man ng one year ang Dear Uge, stress-free raw ang show mula sa simula pa lang.
“Enjoy na enjoy kami kasi walang stress. As much as possible ang sarap magpasaya ng audience.
“‘Pag nanonood kami palagi ng Dear Uge, ang nanay ko ‘pag tumawag ‘yun or nagtext yun, ibig sabihin nagagalingan yun sa akin.
“So natutuwa ako pag nasisiyahan siya sa pinapanood niya. Andito kaming mga komedyante para magpagaan ng stress niyo sa buhay. Para tumagal ang aming comedy anthology ng isang taon, ibig sabihin talagang bumenta sa loyal viewers natin.”
Ang secret daw ng success ng Dear Uge ay ang magandang teamwork nila sa show.
“Ang creative team and our producers, mababaw lang ang kaligayahan naming lahat.
“Gusto lang talaga naming mabigyan ng chance lalo na ang mga bago nating komedyante like sila Divine, Mercy, Hercules, at lahat ng guests namin na usually hindi natin nakikita na mag-comedy.
“At meron kaming style dito na we don’t’ just usually follow the script, we improvise.
“Kasi naniniwala kami na lahat dapat maging organic.’’ (Ruel J. Mendoza)