Perfect son and father si Ogie Alcasid, ayon sa kanyang mommy Herminia. Nag-surprise appearance ito sa “Magandang Buhay” kasama ng daddy Herminio ni Ogie na Herminio rin ang real name niya.
Guest si Ogie with his daughter Leila na aniya, noong naghiwalay sila ni Michelle Van Eimeren at bumalik ito sa Australia with their daughters Leila and Sarah, four to five times a year kung dalawin niya ang mga ito. Kapag may school affair, gumagawa talaga siya ng paraan para makapunta at makasama ang mga anak niya.
Noong nag-debut si Leila, kahit isang araw lang ang kaya ng iskedyul ni Ogie, nagpunta pa rin siya sa Australia para makadalo sa debut party ng anak. As a father, walang hindi gagawin si Ogie for his children.
Sobrang happy siya ngayong nasa Pilipinas si Leila at nakatira sa kanila ni Regine Velasquez. One and a half months nasa bansa si Leila na aniya, Masaya siya sa desisyon niyang bumalik sa Pilipinas. She was four or five years old noong tumira siya sa Australia matapos maghiwalay ang kanyang parents. Nineteen na siya ngayon.
Interesado rin si Leila mag-showbiz. Nagwo-workshop siya ngayon bilang paghahanda sa papasukan niyang mundo.
Kinikilig siya sa love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Suportado ni Ogie ang pagpasok ni Leila sa showbiz. Huwag lang daw muna itong magbo-boyfriend. Nagka-BF na si Leila noong nasa Australia siya.
Nagpaparamdam
Interesado rin si Maxine Medina, Bb. Pilipinas 2016 mag-showbiz. Nagpaparamdam siya na gusto niyang maging bahagi ng “Encantadia.”
Ang boyfriend niyang si Marx Topacio ay gumaganap bilang Azulan sa naturang GMA fantaserye. Balitang siya ang magiging love interest ni Glaiza de Castro (as Pirena).
May dapat bang ika-insecure o ikaselos si Maxine? Parang wala naman dahil safe si Glaiza. Wala siyang record na lumalandi o nagpi-flirt sa mga nakakatrabahong aktor, lalo na kung alam niyang “taken” na.
Ayaw na
Sa “Legally Blind,” makikipagbalikan kay Edward (Mikael Daez) ang ex-girlfriend niyang si Liz (Camille Torres). Pero si Grace (Janine Gutierrez) na ang mahal ni Edward.
Ire-reject ni Grace si Edward nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Takot siyang masaktan muli dahil sa panloloko sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Joel (Rodjun Cruz).