Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 34 pang convicted inmates bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.
Sinabi ni BuCor Director General Benjamin Delos Santos na ang 34 inmates ay pinalaya mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
“We have provided them with transportation money for their homecoming,” sabi ni Delos Santos. Ayon kay Delos Santos, 29 preso ay pinalaya dahil sa parole, habang lima sa kanila ay napagsilbihan na ang kanilang sentensiya.
Sinabi pa ni Delos Santos na bumuo siya na isang task force para mapabilis ang pagpapalaya sa iba pang inmates sa iba’t ibang penal colonies sa bansa. (Jeffrey Damicog)