Pinagtataga umano hanggang mamatay gamit ang jungle bolo ng isang construction worker ang isang clinic caretaker sa Makati City noong Sabado.
Kinilala ng Makati police ang biktima na si Roger Pasilan, alias “Bonbon,” 45, walang asawa, at nakatira sa J.P. Rizal Ave., Barangay Tejeros, Makati.
Ayon sa imbestigasyon nina homicide investigators SPO2 Jason David and PO2 John Marlou Garcia, nagkaroon ng mainit na alitan ang biktima at suspect na si Ricky Gomez, 20, taga-Roxas, Isabela malapit sa barracks na tinutuluyan ni Gomez sa AP Reyes Ave. corner Collantes St., Barangay Tejeros.
Sa gitna ng kanilang alitan, dali-daling kumuha ng jungle bolo ang suspect at pinagtataga ang biktima hanggang mamatay. Kinaladkad ng suspect ang labi ng biktima at itinapon sa manhole.
Nakonsensiya ang suspect at sumuko sa mga police pagkatapos ng insidente. Narecover sa barracks ng suspect ang ginamit na jungle bolo. (Anna Liza V. Alavaren)