Kung kailan inamin ni Inah de Belen na “sila” na ni Jake Vargas at saka naman nawala ito sa “Encantadia.” Pinatay na ang karakter ni Jake bilang Gilas. Nanghinayang ang kanilang followers. Sana raw ay pinahaba ang role ni Jake at nilagyan ng love angle sina Deshna/Luna (Inah) at Gilas. Nabitin daw sila (followers).
Sana raw ay binigyan sila ng kilig moments, lalo pa’t umamin na si Inah sa relasyon nila ni Jake.
Umaangal din ang followers ni Kate Valdez. Pinatay din ang karakter niya bilang Mira. Gandang-ganda pa naman sila kay Kate. Leading lady material siya na sana’y mai-push ng GMA7 ang kanyang career.
Bagay
Nagkita lang sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa opening ng resto-bar ng mommy ni Janine na si Lotlot de Leon, tinukso na sila ng mga naroong showbiz writers. Bagay daw sina Rayver at Janine.
Maraming fans ang nag-like sa lumabas na picture nila sa social media. Sana raw ay lumipat na si Rayver sa GMA7 tulad ng brother niyang si Rodjun.
Magkatrabaho sina Janine at Rodjun sa “Legally Blind” kung saan ex-boyfriend siya ni Janine. Ngayong mina-match sina Janine at Rayver, hindi kaya maging interesado na siya magtanong kay Rodjun tungkol kay Janine?
Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Legally Blind.” Ano kaya’ng gagawin ni Grace (Janine) kapag natuklasan niyang si William (Marc Abaya) ang kanyang rapist at kapatid pa ng lalaking mahal niya (Mikael Daez as Edward)?
Utang
Hindi pa pala fully-paid ang bahay na binili ni Aljur Abrenica sa broadcaster na si Kaye Dacer. Sa isang presscon ay nasabi ni Kaye na may balanse pang R1.3-million si Aljur.
Somewhere sa Sct. Fuentebella, QC ‘yun (bahay). Ani Kaye, noong natanong siya tungkol kay Aljur, naging honest lang siya na sabihin ang totoo.
Noong pumutok ang buntis isyu kay Kylie Padilla, nagpahayag si Aljur na ginagamit daw ‘yun para mapag-usapan ang “Encantadia.” Hindi rin nagustuhan ni Aljur na pinangunahan siya ng management company ni Kylie sa pag-announce na engaged na sila.
Ano naman kaya ang masasabi ni Aljur sa ibinunyag ni Kaye na may utang siya rito?