Open pa rin si LJ Moreno-Alapag na tumanggap ng trabaho sa showbiz, pero mas nagiging priority na raw niya ang kanyang pamilya, pati na rin ang negosyo ng kanilang pamilya na Lollicakes.
Maraming offers na tinanggihan si LJ dahil hindi na raw niya kaya ang magpuyat sa set ng isang teleserye. Hindi na kasi siya sanay na magtrabaho hanggang madaling-araw.
“Iba na rin kasi ang takbo ng katawan natin. Matagal na akong hindi gumawa ng teleserye. I think ‘yung huli ko was sa ABS-CBN 2 pa, ‘yung Nasaan Ka Maruja? That was 2009 pa.
“So eight years na akong hindi nakakaranas ng puyat at pamorningan sa taping.
“Happy naman ako doing shows like MomBiz na ginagawa ko for Colours Channel. Kasama ko rito si Danica Sotto-Pringis.
“Before this, magkasama kami sa Happy Wife, Happy Life ng TV5.
“So mas okey na ang ganitong work for me kasi it’s not stressful tulad ng teleserye.
“Mas gusto ko ito na may time ka for being in showbiz, pero may time ka pa rin with your family and other things pa,” diin pa ni LJ.
Nagtutulungan sila LJ at ang kanyang mister na si Jimmy Alapag sa kanyang Lollicake business. At the same time, nagku-coach naman si Jimmy ng mga batang mahilig sa basketball.
“Jimmy is also an assistant coach sa dati niyang team na Talk N’ Text. He retired na kasi last year.
“Sometimes, yung ginagawa niya ngayon ay nawawalan din siya ng time para sa amin.
“But I understand kasi kahit na he doesn’t play for a team na, he shares what he has learned sa iba.
“Kapag may free time naman siya, magkasama kami at ng mga bata.
“Bumabawi naman siya parati sa amin.
“Thankful lang ako because maganda ang samahan namin bilang mag-asawa and like what I always say, Let God be the foundation of your family and everything will be okay,” pagtapos pa ni LJ Moreno-Alapag. (Ruel J. Mendoza)