Nag-e-enjoy si Zoren Legaspi sa role niya bilang Emre sa “Encantadia” dahil aniya, aksiyun-aksiyunan siya. Mas gusto niya ‘yun kesa mag-drama siya.
Ganado siya sa taping na bago ang actual take, todo effort si Zoren sa pagre-rehearse. Minsan nga raw ay nabukulan pa siya.
Natutuwa siya na tumatak na sa Kapuso viewers ang karakter niya bilang Emre. Gano’n na nga raw ang tawag sa kanya ng ibang tao kapag nakikita siya sa public places.
Hindi naman makapaniwala ang co-“Encantadia” stars ni Zoren na sina Glaiza de Castro at Marx Topacio sa suporta ng fans sa kanilang team up. Hindi nila in-expect na magugustuhan ‘yun at kilig-kiligan ang viewers sa karakter nila bilang Pirena at Azulan. Nabuo ang AzPiren tandem nila.
Samantala, mas umiigting ang mga kaganapan sa “Encantadia.” Binigyan ni Danaya (Sanya Lopez) ng huwad na brilyanteng lupa si Avria (Eula Valdes). Maipaghiganti na kaya nina Pirena at Ybrahim (Ruru Madrid) sina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) sa mga pumaslang sa mga ito?
Nagwo-work
Mukhang nagwo-work ang pagma-match ng press kina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Nag-e-effort si Rayver na mapalapit sa “Legally Blind” star.
Bago mag-Holy Week ay nagkita na naman sila. Noong nalaman ni Rayver na nasa resto-bar si Janine na pag-aaring mommy Lotlot de Leon nito, agad nagpunta roon si Rayver kasama ang brother niyang si Rodjun na co-star ni Janine sa “Legally Blind. “Ang palusot ni Rayver, malapit lang sila sa area, kaya napasugod sila roon.
Ayon sa source, matagal nag-usap sina Rayver at Janine. Noong nakausap namin si Janine sa taping ng “Legally Blind,” sinabi niyang masayang kausap si Rayver. ‘Yun na!
Nasa US ngayon si Rayver para sa series of shows ng Kapamilya stars. Nag-show sila sa Las Vegas noong April 14, sa Santa Clara, California (April 15) at sa Hawaii on April 21.
Tagalog version
Si Dennis Trillo ang nag-dub ng boses ni Gong Yoo sa tagalog version ng “Train to Busan.” Soon ay ipalalabas ito sa GMA7.
Unang napanood si Gong sa Korenovela “Coffee Prince” na ipinalabas din sa Kapuso Network in 2000.
Mapapanood si Dennis sa upcoming fantaserye ng GMA, ang “Mulawin Vs. Ravena“ kung saan gaganap siya bilang Gabriel, the same character na ginampanan niya sa original version ng “Mulawin.”