Pinabulaanan ng Bureau of Immigration (BI) kahapon ang kumakalat na report na daan-daang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sabay-sabay na nagbitiw o kaya’y nag-leave dahil sa hindi na sila binayaran ng overtime pay.
“So far, only 36 immigration officers have resigned since the start of the year and only a few have gone on leave for various reasons,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.
Sinabi ni BI chief na bumalik na sa normal ang pila ng mga pasahero sa airport.
Ayon kay Morente, karamihan sa immigration officers na naka-assign sa NAIA ay nagre-report sa trabaho. Base sa report ng port operations division, nasa 95 percent ang attendance ng BI personnel.
“Despite their financial problems the bulk of our workforce at the NAIA are continuing to persevere and make sacrifices for the sake of the traveling public. I commend them for doing a remarkable job in the face of adversities,” sabi ni Morente.
Kampante si Morente a makakahanap ang gobyerno ng tamang solusyon para matugunan ang kinakaharap na problema ng BI employees tungkol sa dagdag na sweldo nila. Ang bagay na ito ay ni-refer na sa Office of the President. (Jun Ramirez)