PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) – Tututok ngayon ang pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa mas lalo pang pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa siyudad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng promosyon nito.
Ito ang nilalaman ng mensahe ni Mayor Luis Marcaida lll na ipinarating sa mga kawani ng pamahalaan sa isinagawang flag raising ceremony sa City Hall.
“We will embark on a policy direction to review, revisit, re-enforce, repackage, and reintroduce the City of Puerto Princesa in a broader paradigm”, bahagi ng nilalaman ng mensahe ni Marcaida.
Sa pamamagitan din aniya ng social media log sites, mai-a-angat nito ang antas ng global linkages at interconnectivity para sa tuloy-tuloy at epektibong estratehiya sa pagpapakilala ng mga tourist destination ng lungsod.
Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang mga nauna nang nai-panukalang karagdagang atraksyong panturismo sa lungsod katulad ng Balayong Park at iba pa.