Pinalaya ng New People’s Army noong Sabado ang isang sundalo tatlong buwan matapos siyang dukutin sa Surigao del Norte.
Kinilala ang sundalo na si Private First Class Erwin R. Salan ng Army 30th Infantry Battallion na pinalaya sa Purok 1, Barangay Caman-an, Gigaquit, Surigao del Norte.
Pinalaya si Salan ng Guerilla-Front Committee 16 of the Communist Party of the Philippines -NPA Northeastern Mindanao Regional Committee sa third-party facilitators na pinangungunahan ni Bishop Rey Timbang and provincial government officials.
Sinabi ng spokesman ng Guerilla-Front Committee 16 na ang paglaya ni Salan ay bilang pagsuporta sa resumption of peace negotiations between the Philippine government at CPP-National Democratic Front. (Mike U. Crismundo)