Naging emotional si Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina noong gabi ng Binibining Pilipinas 2017 dahil magpapaalam na siya ng tuluyan sa kanyang korona.
Sa pinost ng 26-year old beauty queen sa kanyang Instagram account, sinabi niya na hindi niya malilimutan ang mga natutunan niya sa pagiging isang Bb. Pilipinas.
“Passing on my crown… and I will never forget what the Universe taught me.
“Thank you my fellow Filipinos for choosing me to be your representative and be part of the historical event the Miss Universe 2016.
“It was a wonderful journey that I will treasure forever,” caption pa niya.
Umabot sa Top 9 finalists sa nakaraang Miss Universe pageant na ginawa rito sa Pilipinas noong January 30, 2017.
Bagama’t hindi pinalad na mapanalunan ni Maxine ulit ang Miss Universe crown, hindi naman daw mapapantayan ang experience na kanyang natanggap at ang mga kaibigan na kanyang nakilala mula sa iba’t ibang bansa pa.
Marami ring naging kritiko si Maxine noong nakaraang Miss Universe, pero mas marami pa rin ang nakuha niyang supporta mula sa kapwa Pilipino niyang naniwala pa rin sa pinakita niyang performance.
May advice rin si Maxine sa mga gustong mag-uwi ng korona.
Nag-iwan ng isang makahulugang mensahe si Maxine sa lahat ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2017:
“To all the 40 candidates this is your chance to give it all.
“Take pride and have faith in how far you can go.
“The best advice? SMILE, SMILE AND SMILE.”
Ang napiling maging Miss Universe-Philippines 2017 at magiging Philippine representative sa 66th Miss Universe ay ang Bb. Pilipinas candidate na si Rachel Peters. Napanaluna din ni Rachel ang mga special awards na Best in Swimsuit, Miss Photogenic, Face of Binibini and Jag Denim Queen. (RUEL J. MENDOZA)