Tinatayang nasa 22 pamilya ang nawalan ng tahanan nang sumiklab ang isang sunog sa residential building na kanilang nirerentahan sa Barangay West Crame, San Juan City, dakong 10:30 p.m. noong Lunes, ayon sa report ng San Juan City police.
Nagsimula ang sunog sa second floor ng unit na occupied ng isang Fatima o “Samal” sa building na pag-aari ni Erlinda Bienek.
Nasa P522,000 ang halaga ng mga ari-ariang nasira ng apoy. Naapula ang sunog ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 12:06 a.m. o dalawang oras matapos itong sumiklab.
Pinuri ni San Juan City Mayor Guia Gomez ang mabilis na pag-responde ng BFP, City Social Welfare Department (CSWD) at ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa naganap na sunog. (Jenny F. Manongdo)