Patay ang isang traffic enforcer at ang kaniyang kapitbahay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ng police ang mga biktima na sina Mark Marvin Sicat, 24, member ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS); at Rene Langay-Langay, 40, isang construction worker. Pinatay sila sa loob mismo ng kanilang mga tahanan sa No. 15 Compound, Barangay Holy Spirit.
Sinabi ni Lorna Aguinaldo, Langay-Langay’s live-in partner, sa mga imbestigador na nagising na lamang sila sa katok sa kanilang pintuan bandang 1:55 a.m. kahapon.
Dalawang lalaki na armado ng baril ang biglang pumasok sa loob at tinanong si Langay-Langay kung anong kaniyang pangalan. Nang sambitin ng biktima ang kaniyang pangalan, kinaladkad si Aguinaldo ng isa sa mga suspect palabas ng bahay. Dito na narinig ng babae ang mga putok ng baril.
Matapos barilin si Langay-Langay, kaswal na naglakad palabas ng bahay ang mga salarin.
Ayon kay Aguinaldo, tumakbo siya sa bahay ni Sicat para humingi ng tulong ngunit natagpuan niya na patay na rin ang kapitbahay sa kaniyang kama.
Natagpuan ng crime scene investigators ang anim na slug ng bala sa bahay ni Langay-Langay at dalawa naman sa bahay ni Sicat.
Base sa police report, sa ulo binaril ng mga salarin ang dalawang biktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)