Patay ang limang robbery suspects matapos makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City kagabi at kahapon ng madaling araw.
Dalawa sa mga suspects ay nakilalang sina Jessie Tan, 41, at Emery Bryan Flores, 37, sa pamamagitan ng identification cards na natagpuan sa kanilang bangkay, ayon sa pulis.
Napatay si Tan at dalawa niyang kasamahan nang manlaban sila sa mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit (ANCAR) ng Quezon City Police District (QCPD) sa Barangay Greater Lagro dakong 11:30 p.m., Thursday.
Bago naganap ang shootout, nakatanggap ang ANCAR ng report mula sa isang concerned citizen na may tatlong lalaki na nakitang nagdi-dismantle ng isang white taxi sa vacant lot na matatagpuan sa kanto ng Belfast and Mindanao Avenues.
Kaagad na rumesponde ang mga pulis at nahuli nila ang suspects sa aktong nagdi-disassemble ng mga parte ng taxi. Nang sitahin ng mga pulis, bumunot ng baril si Tan at ang kaniyang mga kasama at pinaputukan sila. Napilitang gumanti ang mga pulis at napatay ang tatlong suspek.
Nakumpiska sa tatlong bangkay ang dalawang .45-caliber pistols, isang .38-caliber revolver, pitong sachets ng shabu, at aluminum foil strips.
Napag-alaman na tinangay ng tatlo ang taxi na minamaneho ni Allan Tesla, 42, dakong 9:30 p.m. noong Huwebes. Sinabi ni Tesla sa pulis na sumakay sa taxi niya ang tatlo at nagdeklara ng holdup habang tinututukan siya ng baril.
Kinuha rin ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng R2,600 cash, at ang dalawang cell phones bago tumakas sakay dala ang taxi.
Hindi na na-recover ni Tesla ang mga kinulimbat sa kanya ng mga suspek. Samantala, si Flores at ang kaniyang hindi pa kilalang kasamahan ay napatay ng mga mga pulis dakong 12:10 a.m. noong Biyernes.
Ayon sa QCPD’s Special Operations Unit (DSOU), hinoldap ng dalawang suspek bandang 11:45 p.m., Thursday, si Jessa Ranido, 22, sa kahabaan ng IBP Road sa Barangay Payatas. Na-corner ng DSOU ang dalawang suspek sa Masbate Street, Batasan Hills. (Vanne Elaine P. Terrazola)