Gusto mo sana magtinda ng siopao at siomai kaya lang natatakot ka malugi. Gusto mo sana palaguin ang pera mo at mag-negosyo kaya lang natatakot ka na baka mawala pa ito. Gusto mo sanang mag-invest sa stock market, kaya lang natatakot ka na baka hindi ka magtagumpay. Gustong-gusto mo mag-umpisa pero punong-puno ka ng takot.
Sabi nga nila, ang pag-nenegosyo raw ay parang sugal. Pwede kang manalo, pwede ka ring matalo. Kung manalo, salamat, kung matalo ka sorry nalang.
Sa totoo lang, lahat naman ng bagay may risk. Hindi naman pwedeng palaging panalo, masaya, at successful. Kaya nga may kasabihan, kung may hirap, may ginhawa. Kung bumagyo man, sisikat din ang haring araw.
May pagdadaanan talagang tayo mga UPS & DOWNS. It’s a process in our lives that will not just make us successful but a better person too. Kaya kung puro tayo takot at hindi natin susubukan, hindi tayo magtatagumpay. Hanggang dito nalang tayo.
Ang tanong, ano ang dapat gawin para hindi matakot mag-business o magumpisa? Ito ang sagot ko:
FAILURE
Minsan na silang sumubok at nabigo. Nag-negosyo sila pero nalugi. Kaya naman ayaw ng sumubok ulit. Natatakot na baka maulit lang ulit. We can learn from our mistakes and failures. Kung nalugi ka sa unang subok mo, sit down and evaluate.
Tignan mo kung saan ka nagkamali at itama ito. Marami akong kilala na successful business man na ngayon dahil hindi sila tumigil sa kakasubok. Totoo talaga ang kasabihang “Try and try until you succeed.” Quitters never win.
IGNORANCE
Walang alam. Hindi alam kung paano magsisimula, anong mga technicalities, anong klaseng business ang papasukin, anong strategy ang gagawin, anong target market at kung ano-ano pa.
Sa panahon natin ngayon, abot kamay na lamang ang kaalaman at karunungan. Everything we need to know is just one click away. Search mo lang sa google o yahoo ang tanong mo at maraming lalabas na sagot. Kung di ka naman techie, pwede kang maghanap ng tao na pwedeng magcoach, magtrain, o mag-mentor sayo. Grab mo din yung mga opportunity na maka-attend sa mga trainings, workshops, seminars na kailangan mo para matuto. Ika nga, “If there’s a will, there’s a way.”
MONEY MATTERS
Kulang ang pera o walang malaking pera para magumpisa ng negosyo. Maaaring takot din na baka maubos o malugi lang ang pera na gagamitin sa pagsisimula ng business.
Kung may malaki kang pera to start with, that’s a good thing. Pero kung wala naman, it should not stop us. We can start small. Start with little. Start with what you have and as it grows you can expand your business. Slowly but surely.
Si Henry Sy na may ari ng lahat ng SM Malls ngayon ay nagsimula sa paglalako ng mga sapatos. I’m sure may mga “lugi moments” din siya pero dahil sa persistence, passion, and commitment niya, naabot nya ang rurok ng tagumpay sa larangan ng pag-nenegosyo.
Ilan lang ito sa mga major reasons kung bakit may mga taong takot mag-negosyo. Gaano man kadami ang mga fears and reasons natin, palitan natin ito ng courage and positivity. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, “to every problem, there is a solution.” Baguhin na natin ang ating mindset and lets always believe for the best!
THINK. REFLECT. APPLY
Takot ka pa rin ba mag-business? Ano ang humahadlang sayo para hindi mag-negosyo? Are you ready to take the risk?
(Chinkee Tan)