Naguluhan kami ng kausap si Renz Fernandez noong presscon ng “My Love from the Star.” Parang lutang o wala sa sarili si Renz na hindi lang kami ang nakapansin, pati ang ibang kasama naming entertainment writers na nag-interbyu sa kanya.
Five months walang regular show sa GMA7 si Renz na huling napanood sa “Little Nanay.” Aniya, naging busy siya sa pagsa-surfing, paghahanap ng trabaho at panliligaw sa maraming girls.
Meron daw isang non-showbiz girl na nag-kiss lang sila, pero hindi sila on. Basta enjoy lang sila. Sa dinami-rami ng niligawan niya, wala siyang naging girlfriend, sabi ni Renz.
Binasted ba siya ni Kris Bernal? “Hindi niya ako type,” ani Renz. “Pinaasalang niya ako. Nagkatrabaho kami sa “Little Nanay.” Sabi niya, ligawan ko siya. Noong niligawan ko, binasted naman niya ako.”
Sumamaba ang loob niya? “Medyo lang. Paasa kasi siya,” ani Renz.
Nagandahan at naseksihan siya sa sexy photos ni Kris sa FHM. Tiningnan lang daw niya, hindi siya bumili ng magazine.
Naloka kami sa huling hirit niya, “ May tanong pa kayo? Maglilibot pa ako. Babatiin ko ang mga bossing (GMA executives na present sa presscon ng MLFTS),” nagmamadaling wika ni Renz.
Isang lawyer-detective ang role niya sa “My Love from the Star” na mapapanood simula May 29. Mga bida rito sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
Film buff
Si Anthony Diaz ang lead actor at leading man ni Roxanne Barcelo sa “Way of the Cross.” Anak siya ng producer-director na si Antonio Diaz ng Kaizen Studios, Inc.
Bata pa’y mahilig na sa pelikula si Anthony. Fifteen years old siya noong nag-umpisa siyang gumawa ng short films.
Siya rin ang aktor, screenwriter, director, producer at editor.
Nag-aral si Anthony ng filmmaking sa University of Las Vegas Film School (UNLV), USA. Nag-graduate siya with high honors with a Bachelor’s Degree in Film in 2010 at the age of 20.
Dalawang short films na ang nagawa ni Anthony, “Delusion” at “Forgotten Heroes.” Isang indie film ang ginawa niya last year, “Break.” Tinatapos niya ngayon ang “Way of the Cross” for international release.
Nag-shoot sila sa Mabitac, Siniloan at Pakil, Laguna.