ISINAKRIPISYO pala ng bagong Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva ang modeling contract niya sa abroad nang piliin niyang mapabilang sa GMA primetime teleseryeng “My Love From The Star” at maging leadingman ni Jennylyn Mercado.
“Actually, before I auditioned for this may kontrata po ako sa Thailand, magmo-model po ako sa Thailand. Nasa Pilipinas ako noon for two weeks para lang ayusin yung visa ko for Thailand. Tapos may nag-message sa akin, may nag-email na mag-audition ako for this show. Sabi ko, ‘Why not? Try lang. Let’s see where it goes.’ So, iyon nakuha ko po. Kaya I have to sacrifice ‘yung pagmo-model ko sa Thailand. Actually, the whole modeling nasa-sacrifice ko na kasi acting ‘yung nagiging focus ko,” rebelasyon ni Gil, na co-managed ng GMA Artist Center at Cornerstone.
May pressure ba siyang naramdaman na sa unang sabak niya sa pag-arte ay leading man agad siya? “Sobra, I’ve been very honest about it. Especially noong bago pa lang ‘yung news, I felt the pressure so much. What adds to the pressure po ay si Alden (Richards) pa ‘yung dapat magiging Matteo. So, there’s the pressure of trying to prove my worth to the people. Until I slowly realized na I shouldn’t be thinking about that and just focus on the acting, the skill, and the show. And Direk Joyce (Bernal) have to talk to me to get to know me and tell me to just relax and not to be hard on myself, to just enjoy.”
Nakatulong din daw para makapag-adjust siya sa teleserye nila ang kapwa niya bida na si Jennylyn. So far, sa pakikipagtrabaho niya kay Jennylyn, ano ang hinahangaan niya sa aktres? “Attitude, ‘yung demeanor niya, very well-mannered, very pleasant, very mabait.”
Noong wala pa si Gil sa showbiz, ano ang impression niya kay Jennylyn? “Nasabi ko na sa kanya na I watched some of her movies. Siyempre Jennylyn iyan, magandang artista ng GMA, Ultimate Star. So, nung nakuha ko ‘yung role, ‘Wow, ako ‘yung magiging partner ni Jennylyn!’ So, medyo na-starstruck pa ako.”
Mapapanood ang “My Love From The Star” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad simula bukas. (Glen P. Sibonga)