Isang fake eye doctor ang naaresto sa entrapment operation na isinagawa ng Quezon City police noong Lunes ng hapon.
Dinakip ng mga operatives ng Quezon City Police District’s Special Operations Unit (DSOU) si Amando Duyo Jr., 69, dahil umano sa pagpapatakbo ng isang eye clinic kahit na wala siyang lisensiya bilang optometrist.
Naaresto siya sa isang patibong na ikinasa sa kaniyang clinic sa 15th Avenue, Cubao, dakong 4 p.m. noong Lunes.
Bago ang entrapment, naglunsad ang DSOU ng operasyon laban kay Duyo noong May 26 matapos makatanggap ng tip tungkol sa mga aktibidades ng suspek.
Isang policewoman ang nagkunwaring pasyente na sinuri ni Duyo at pinayuhang magpalit ng kaniyang eyeglasses. Inalok din siya ng doctor na bumili sa kaniya ng salamin sa mata.
Nakumpirma ng police sa Professional Regulatory Commission (PRC) na wala ang pangalan ni Duyo sa database ng authorized optometrists.
Nalaman din ng police na ang Duyo’s clinic, Gilbuena Duyo Optical Clinic, ay walang mga business permit.
(Vanne Elaine Terraazola)