CEBU CITY – Kasalukuyang hinahanap ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 7 si Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Boniel na hinihinalang dinukot at pinatay kamakalawa.
Ayon kay RID 7 head Col. Jonathan Cabal, sinusuyod nila ang dagat sa palibot ng Bohol na kung saan umano itinapon ang bangkay ng biktima matapos siyang dukutin at barilin sa ulo.
Nasa kustodiya ng police ang asawa ng biktima na si Board Member Niño Rey Boniel na siyang nagsabing patay na ang kanyang maybahay upang magbigay linaw sa insidente.
Investigation showed that kasama ni Gisela ang kanyang mister at isang kaibigan na nakilalang si Angela Leyson at kanyang anak sa isang beach house sa Bien Unido nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Leyson, pinalo siya sa ulo habang nasa beach house at nawalan ng malay. Dito niya huling nakitang buhay si Gisela.
Nagising na lamang si Leyson nang siya at kanyang anak ay papuntang Tubigon, Bohol kasama si Niño Rey at dalawang lalaki.
Sa Tubigon sila pinalaya at sinabihang huwag magsumbong sa police. Hindi natakot si Leyson at nagsumbong sa police, dahilan upang imbestigahan si Niño Rey.
Inaalam pa ng police kung ano ang dahilan ng pagpatay pero hinihinalang utang na relo na nagkakahalaga ng R2.5 million ang ugat ng insidente. (Mars W. Mosqueda Jr.)