By: Anna Liza Villas-Alavaren
Iimbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang towing service company na ang crew members ay inireklamo kamakailan dahil sa illegal towing.
Pina-impound ni MMDA Chairman Danilo Lim and isang unit Iron Wing Towing Services na kasama sa inireklamo sa ahensiya.
Ayon sa complainant, minamaneho niya ang isang closed delivery van sa kahabaan ng G. Roxas Street sa Quezon City dakong 11:15 a.m. noong May 26, 2017 nang pahintuin siya ng crew members ng tow truck No. 138.
Pinababa ng tow personnel ng complainant mula sa kaniyang van at sapilitang kinuha ang sasakyan.
Para madinig ang kabilang panig, inatasan ni Lim MMDA Towing and Impounding Group na papuntahin ang representative ng Iron Wing Towing Company sa MMDA main office sa Makati City para maimbestigahan ang insidente.
Nanawagan din si Lim sa nagrereklamong van driver na magsampa ng formal complaint laban sa towing company para makapagsagawa ng kaukulang aksiyon.
“We would act and deal with this kind of misdeeds and illicit activities swiftly. These erring personnel should not be on the streets a minute longer,” pahayag ng MMDA chief.