KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Nagsimula na ang curfew sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel, epektibo ang curfew simula alas 11 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw kinabukasan.
Nagsimula rin ngayong araw ang mas mahigpit na checkpoints at pagpapatupad ng “no ID, no entry” policy sa mga entru points, dahilan ng mahabang pila ng mga sasakyan sa mga kalsada papasok sa Koronadal.
Nilinaw ni Mayor Miguel, bagama’t may curfew, papayagan pa rin sa kanilang mga negosyo ang mga establisimentong bukas ng 24 na oras, maging ang mga nagpapabili ng balut at iba pang pagkain sa gabi.
Ang gagawin ng mga otoridad ay hihingan ang mga bumibili na magpakita ng ID; hindi rin hahayaan ang mga tao na tumambay sa mga kalsada sa lungsod. Maaaring dalhin sa police station ang mga taong walang maipapakitang ID.
Samantala, nagsimula na rin kaninang umaga ang “no ID, no entry” policy sa mga checkpoint papasok sa Koronadal City.