By RUEL J. MENDOZA
EVERY time na tumatanggap ng role ang Kapuso actor na si Rafael Rosell, sinisiguro niya na magi-ging bago ito para sa kanya at hindi ‘yung mauulit ang role sa huling nagawa niya.
Ang last teleserye ni Rafael ay ang “Sinungaling Mong Puso” kunsaan gumanap siya bilang isang abusado at mentally-ill na mister ni Rhian Ramos.
Sa bago niyang role sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 na “Impostora”, gaganap naman siya bilang mabait at maintindihin na mister ni Kris Bernal.
“Dito sa ‘Impostora’, para ako naman ang inaabuso.
“Masyado akong mabait dito kaya my wife Rosette, she takes advantage of that at niloloko niya ako.
“Then this woman na kamukha ni Rosette na si Nimfa came into my life. She changed everything in my life.
“So it’s a roller-coaster of emotions. Iba-iba ang nararamdaman ng role ko rito as Homer. Kasi maguguluhan siya kung sino ba si Rosette at sino si Nimfa?” pahayag pa ni Rafael.
Para sa aktor, ayaw daw niyang mawala ‘yung excitement sa kanyang trabaho bilang isang artista.
“When it comes to roles, gusto ko ‘yung hindi nawawala ang excitement sa akin.
“It’s always necessary na dagdagan mo ng iba’t ibang factors, challenges, or quirks, traits, mannerisms ang isang character para maging interesting siya.
“Personally, ‘yan ang ginagawa ko sa lahat ng character ko.
“Dinadagdagan ko nang kaunti pa para hindi ako maging komportable, para lagi akong on my toes at laging may excitement ang pagganap ng characters,” diin niya.
Kahit mabait ang role ni Rafael ngayon, natsa-challenge pa rin daw siya sa kanyang performance.
“I think to portray a person that you are not is always challenging, whether that’s kontrabida, bida, mabait, masama.
“I think it’s a great challenge to step out of yourself and portray something you are not. I take all my characters as the same amount of challenge,” pagtapos pa ni Rafael Rosell.