SABI ni Ryza Cenon sa isang interbyu, bahagi pa rin siya ng GMA Network dahil sa GMA Artist Center lang nag-expire ang kanyang management contract last February this year.
Aniya pa, priority pa rin niya ang GMA, sakaling may project na i-offer sa kanya. Palagay ba niya, gagawin ‘yun ng Kapuso Network?
Siyempre, bago pa siya offeran, priority ang kanilang contract talents. Balita nga namin, diumano’y tatanggalin na ang karakter ni Ryza bilang Georgia sa “Ika-6 na Utos.” Papasok ang bagong karakter ni Angelika dela Cruz.
“We wish Ryza well in her future endeavors,” bahagi ng statement na ipinadala ni Ms. Gigi Santiago-Lara, Senior Assistant Vice-President for Alternative Productions. O, asa pa ba si Ryza?
Kabaliktaran
Kabaliktaran ng ugali ni Chynna Ortaleza bilang isang ina ang karakter niya bilang Rashana sa “Mulawin vs. Ravena.”
Siya ang Reyna ng mga Ravena at muntik na niyang ipapatay ang batang si Wak noong nalaman niyang hindi niya ito totoong anak.
Sa tunay na buhay, isang mabait at maarugang ina si Chynna sa anak nila ni Kean Cipriano na si Baby Stellar. Focus siya sa pagpapalaki sa bagets.
Kung hindi nga lang ito takot sa costume ng mga Ravena, gustong isama ni Chynna sa taping ng MVR si Baby Stellar.
Nami-miss daw niya ang kanyang anak kapag nasa taping siya. Kapag natapos na ang mga eksena niya, nagmamadaling makauwi agad si Chynna.
Walang kupas
Wala pa ring kupas sa pag-arte si Piolo Pascual. Mahusay niyang naitawid ang karakter na ginampanan niya sa recent episode ng “Maalaala Mo Kaya.” Isang nabaldadong ama na may dalawang anak na babae at iniwan ng kanyang asawa ang role ni Piolo.
Hango ang kuwento mula sa nag-viral na video sa YouTube tungkol sa isang ama na nakatingin lang sa dalawang anak na kumakain ng fried chicken sa isang fast food chain.
Mula umpisa hanggang katapusan ng kuwento, consistent ang husay sa pag-arte ni Piolo. Ang pagbibitiw niya ng dialogue, ang mga galaw ng kanyang katawan, mga kamay at paa sa paglakad, panalo ang Kapamilya actor. Hindi kataka-taka kung ma-nominate next year si Piolo bilang best actor sa mga award-giving bodies.
Ang galing-galing niya. Promise!