HOW true kaya na diumano, may (o mga) taong humaharang para tuluyang bumongga ang career ng isang young actor (YA)?
Diumano, may grupo na gustong pabagsakin ang gumagandang takbo ng career ng YA.
Malaki ang potensiyal ng YA na sumikat dahil bukod sa artistahin ang itsura, may kakayahan itong umarte at walang attitude problem. Naaapreciate ‘yun ng management ng network na pinagtatrabahuhan, kaya binibigyan ito ng mga proyekto.
Dahil sa pagtitiyaga, pagsisikap, pagmamahal at dedikasyon sa trabaho, unti-unti nang nakakamit ng YA ang kanyang pangarap na magkaroon ng lugar sa showbiz. Diumano, hindi ito matanggap ng mga taong may ibang talent na gustong pasikatin. Threat ang YA, kaya tila may pinaplanong gawin para mahadlangan o sirain ang gumagandang takbo ng career ng YA, ayon sa isang source. Bad ‘yun!