By: Jaimie Rose R. Aberia
Nakikipag-usap si Manila Mayor Joseph Estrada sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa planong malawakang dredging operation sa Pasig River, kung saan ang makukuhang dumi ay gagamiting panambak para sa land reclamation projects sa Manila Bay.
Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na nagkaroon na sila ng initial consultation sa mga experts na nagpatunay na ang mga duming makokolekta sa dredging activities ay pwedeng gamiting pantambak sa land reclamation.
“Yes, it is possible. Ang problema kasi, bumabaha itong Metro Manila, ‘di ba? Isang dahilan n’yan ay ang Pasig River, heavily silted na. Kailangan talagang i-dredge,” pahayag ni Lim.