By Ruel J. Mendoza
KUMPIRMADONG wala na ang Kapuso sexy actress sa management ng Triple A at bumalik na ito sa pagpapa-manage sa GMA Artists Center.
Noong nakaraang July 18, nag-renew si Andrea ng kanyang exclusive contract with GMA-7.
Present sa kanyang contract signing ay sina GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Program Managers for ETV Charles Koo and Hazel Abonita, and GMAAC Senior Talent Manager Vic del Rosario.
Ayon kay Andrea, masaya siyang bumalik sa pangangalaga ng Kapuso network.
“Happy po ako dahil for the next few years makakasama ko ang pamilya ko, ang GMA 7.
“Dito naman po talaga ako lumaki. Ang nakakatuwa kasi they helped me realize what I want to do here in the industry.
“Tinutulungan nila ako para maisip kung ano pa ang puwede kong gawin at paano pa ako mage-explore.”
Bukod sa regular show niya na “Bubble Gang,” muling mapapanood si Andrea bilang si Venus sa book two ng “Alyas Robin Hood.”
Ikinatutuwa rin ng aktres nakasama si Solenn Heussaff sa “Alyas Robin Hood.”
“Mas fierce, mas palaban at mas maraming action scenes ang aabangan sa character ni Venus. Excited na ako kasi magagamit ko na ‘yung mga naging trainings ko for Muay Thai at Boxing.
“First time ko makakasama si Solenn. I’m sure magtutulungan kaming dalawa. Pero we’ve always been friends. Mas lalalim ang friendship naming dahil mas makakasama ko na siya.”
Nakitaan ng pagiging potential leading lady si Andrea ng GMA-7 kaya ginawa siyang bida sa teleserye na “Sana Ay Ikaw Na Nga” in 2012.
Nagbida pa ng ilang beses si Andrea sa mga teleserye na “Lihim ni Annasandra” at “The Millionaire’s Wife.”
Nagsimula si Andrea sa GMA-7 noong 2008 sa youth-oriented magazine show na “Ka-Blog.” Bago siya magbida, nag-support siya sa mga teleserye na “My Beloved” at “Blusang Itim.”