By: Johnny Decena
Wala pa ang Saturday Racing Program dito sa aming lugar kaya nagpunta ako sa Samson’s Billiard OTB kung saan laging maagang lumalabas ito pero wala pa rin kaya naniwala akong araw ng karera mismo ito lalabas.
Kaya dumako na lang muna tayo sa mga nakaraang kaganapan.
Ang winner-take-all event covering races 2 to 8 sa Metro Turf noong Huwebes ay nagkaroon lang ng four winning tickets na nagbigay ng R658,693.
Ang pick-6 naman (races 3-8) ay may premyong R85,150.40, ang 2 sets ng pick-5 ay P2,829.40 at P32,642.60 at ang pick-4 covering the usual last 4 Races ay P8,497.60.
Nagsipanalo rito from races 1 to 8 respectively, ay sina Eugene Onegin, Raging War, Atinkupung Sinsing, You Are The One, longshots Masikap, Yoshiko, Takdang Panahon at Balicasag or combinations 1-4-3-5-5-6-2-9.
Sa Metro Turf pa rin, ang pentafecta carry over amount of P45,880.35 ay nakuha na at nagbigay ito ng P30,245.40 kung saan nagsipanalo ang tambalang Raging War, Pursuitohappiness, Popsicle at Sta. Monica or combinations 4-6-3-1-8.
Tinamaan na rin ang Super Six carry over amount of P74,078.07 sa last Race kung saan nanalo ang Balicasag.
Samantala, bumanderang-tapos ang top bet Hitting Spree sa tampok na 3-horse-race ng Philracom-sponsored “6th Leg Imported/Local Challenge Race” last Sunday at Metro Turf upang makuha ang top prize of P300,000 for owner SC Stockfarm, Inc.
Sumegundo rito ang Messi at third naman ang Bentley na nagkamit ng P112,500 at R62,500, respectively.
So there…see you guys at Samson’s Billiard OTB….Good Luck!!!