By: Anna Liza Villas-Alavaren
Kukuha ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga bagong traffic enforcer para matugunan ang kakulangan sa mga personnel na itatalaga sa mga masisikip na pangunahing daanan sa metropolis.
Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na sinimulan na ng MMDA ng hiring process para sa traffic enforcers na papalit sa mga na-dismiss o nag-resign na sa trabaho sa kasagsagan ng kampanya laban sa mga tiwaling MMDA personnel.
“Ideally, there should be 7,000 traffic enforcers to manage main intersections in the metropolis. At present, we have only 2,800 traffic personnel doing the job,” ani Lim.
Para maalis ang “bad eggs” sa MMDA, sinibak ng ahensiya 18 traffic enforcers nang umupo si Lim bilang chairman nito noong Mayo, habang 247 ang na-dismiss sa panahon ng panunungkulan ng dating MMDA officer-in-charge Tim Orbos.
“Traffic enforcers will undergo training to start them right,” sabi ni Lim.