CABANATUAN (PIA) – Kinilala kagabi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC, ang mga nagwagi sa ika-19 na Gawad Kalasag Regional Awards.
Ayon kay Office of the Civil Defense o OCD OIC-Regional Director at RDRRMC Chairperson Edgardo Ollet, layunin ng taunang pagpaparangal na bigyang pasasalamat at pagkilala ang mga natatanging opisina’t institusyong tumutugon sa mga pangangailangang kahandaa’t kasanayan sa pagresponde at pagtulong sa panahong nagaganap o matapos ang sakuna.
Kinilala na Gawad Kalasag for Best Local DRRMC ang Pampanga (Province category), lungsod ng Olongapo (Highly Urbanized City category), lungsod ng San Fernando (Component/Independent City category), Baler sa Aurora (1st-3rd class Municipality category), at Barangay Pagas sa lungsod ng Cabanatuan (Barangay-Rural category).
Sa kabilang banda, Gawad Kalasag for Government Emergency Response Management winners ang Tarlac Provincial Disaster Assistance Response Team/Emergency Medical Services (Basic Search and Rescue category) at Olongapo Fire Rescue (Advanced Search and Rescue category).