By RUEL J. MENDOZA
MASAYANG-masaya ang Phenomenal Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza dahil sa pagbukas ng kanyang fastfood franchise business na McDonald’s sa Santa Clara, Bulacan.
Dinayo ng maraming fans ni Maine ang naturang grand opening noong nakaraang Biyernes (August 11) at ang iba pang mga fans niya ay nanggaling pa ng Ilocos Norte at Iloilo.
Nag-pose pa si Maine kasama ang McDonald’s Philippines President and CEO Kenneth S. Yang at ang Chief Happiness Officer na si Ronald McDonald.
Si Maine at ang ka-loveteam niyang si Alden Richards ang kasalukuyang celebrity endorser ng McDonald’s.
“Dream come true ito para sa akin, lalo na sa sister kong si Niki kasi siya ang nag-asikaso nitong lahat. Siya rin kasi ang magma-manage nito.
“Pangarap ko rin ito para sa pamilya ko. At least, may negosyo na naman kami na mae-enjoy pati ng mga pamangkin ko,” ngiti pa ni Maine.
Nag-pose sa Instagram ang sister ni Maine na si Niki Mendoza-Catalan ng family photo nila noong opening ng store franchise nila.
“Dear family, I am very blessed to be chosen to take charge of our first McDonald’s store. And I promise to do my best to make you all proud of me. Love you all,” caption pa niya.
Bukod sa negosyo, nagiging abala rin si Maine sa paghahanda sa magi-ging next movie nila ni Alden.
Nagte-training daw sila ngayon ni Alden sa martial arts bilang preparation sa mala-action movie nila.
Unang pelikula ng AlDub loveteam na “Imagine You & Me” ay isang certified box-office hit noong 2016.
“Boxing and Muay Thai ang training namin para sa movie.
“Sinusubukan naman po namin mag-train as hard as we can and as often as we can.
“Pero hindi pa naming alam ni Alden kung ano talaga ‘yung movie na gagawin namin.
“Medyo secret pa po kaya abangan na lang nila kung kelan kami magsisimulang mag-shoot,” pagtapos pa ni Maine Mendoza.