By: Joseph Jubelag
ISULAN, Sultan Kudarat – Naaresto ng police at military operatives noong Huwebes ang limang hinihinalang miyembro ng isang local organized crime group na sangkot sa extortion, illegal drug trade at sea piracy sa Kalamansig town.
Kinilala ni Senior Supt. Raul Supiter, Sultan Kudarat police director, ang mga suspek na sina Bonao Mangarin; Usop Mangarin, Seleno Ogib, Tenti Mangarin at Dodin Mangarin. Nadakip sila sa sabay-sabay na raids na isinagawa ng police at Marine soldiers sa Barangay Datu Into Anding sa Kalamansig town.
Sinabi ni Supiter na ang mga suspek ay miyembro ng isang local organized criminal syndicate na sangkot sa pangingikil, ilegal na droga, at pamimirata sa karagatan ng Lebak at Kalamansig towns. Nakumpiska ng security forces sa mga suspek ang tatlong M-16 Armalite rifle, isang .45-caliber pistol, fragmentation grenade at mga bala.
Nakatakas ang lider ng grupo na si Tinte Mangarin.
Base sa report, ni-raid na ng security forces noong July 2016 ang bahay ni Mangarin na nagresulta sa pagkakakumpiska ng shabu at mga high-powered firearms kasama ang isang M-0 machine gun.