By RUEL J. MENDOZA
THANKFUL ang aktor na si Gary Estrada na marami ang sumusuporta na sa kanyang panganay na anak na si Kiko Estrada, lalo na’t nagiging mahusay na itong kontrabida sa teleserye na “Mulawin vs. Ravena.”
Isa si Gary sa naging original cast ng “Mulawin” noong 2004 bilang si Rasmus.
Kapag napapanood ni Gary si Kiko, hindi raw siya makapaniwala na nabigyan ng big break ang kanyang panganay.
Love child ni Gary si Kiko sa da-ting aktres na si Cheska Garcia.
“I’m so proud of my son, alam niya ‘yon.
“Ever since nabigyan siya ng break sa ‘Sinungaling Mong Puso,’ tuwang-tuwa ako sa narating na niya especially now with ‘Mulawin vs. Ravena.’
“Kapag napapanood ko siya, hindi ko maiwasan na mag-flashback especially noong baby pa siya. Hindi ko inasahan na he will be the actor that he is now. Magaling siyang kontrabida tulad ng dalawang lola niya, my dad George Estregan and Cheska’s dad Paquito Diaz.
“Kaya sobra akong proud. Kaya lagi kong pangaral sa kanya na maging professional and always keep his feet on the ground. Huwag lalaki ang ulo.
“Tsaka lahat ng mga tao na tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya, pasalamatan niya at huwag silang makalimutan,” ngiti pa ni Gary.
Ang magandang pakikisama sa showbiz ang sikreto ni Gary kaya patuloy pa rin siyang kinukuha sa mga teleserye. Tulad ngayon ay kasama pa rin siya sa cast ng “Alyas Robin Hood” bilang si Caloy ang nakakatandang kapatid ni Pepe na ginagampanan ni Dingdong Dantes.
“It’s a good break for me kasi coming from an election na siyempre hindi tayo pinalad. For quite some time, tayo’y nakapaglingkod ng dalawang termino. Sa paglaban ko sa mas mataas na posisyon, medyo hindi na pinalad.
“Siguro ito ‘yung parang therapy ko kasi there was quite some time na hindi ako lumalabas ng kuwarto dahil iniisip mo kung ano’ng nangyari nung nakaraang eleksyon.
“Kailangan mong mapag-aralan kung saan ka nagkamali. Aminin na natin, mahirap matalo sa isang eleksyon, lalo na sa pinagdaanan namin.”
Dalawang beses naglingkod bilang provincial board member si Gary sa lalawigan ng Quezon. Nang tumakbo siya bilang Vice Governor noong nakaraang eleksyon ay hindi na siya pinalad na manalo.