By: Alexander Dennise San Juan
Pinapurihan ng Quezon City local government and Quezon Police District (QCP) dahil sa pagkakaaresto kamakailan ng suspected member ng Maute terrorist group sa Barangay Culiat.
Nagpasa ang city council ng City Resolution 7140-2017 na kinikilala ang mahalaga ngunit delikadong ginagawa ng QCPD na pinamumunuan ni Chief Supt. Guillermo Eleazar para mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Kinilala rin ng city council ang pagsisikap na ginagawa ng District Special Operations Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Ocampo, District Intelligence Division (DID), kasama ang Talipapa Police Station (PS-3) under Supt. Danilo Mendoza, at ang kanilang military counterparts.
Kamakailan lamang, inaresto ng mga tauhan ng DSOU, DID, PS-3, at AFP si Nasip Ibrahim sa kaniyang bahay sa Salim Compound noong nakaraang Marso dahil sa pagkanlong sa ibang miyembro ng “strongest” terrorist group na sumumpa ng katapatan sa ISIS.
Si Ibrahim na umano’y member ng Maute group ay sangkot sa tangkang pambobomba sa lugar na malapit sa United States Embassy sa Manila noong November 2016, ayon sa police.