NO show si Lotlot de Leon sa PMPC Star Awards Night for Movies. Nominated siya for best actress para sa pelikulang “First Sem.” Iisa ang naisip ng karamihang tao… diumano, iniwasan niyang magkita sila ng kanyang mommy Nora Aunor na co-nominee niya at nanalong best actress para sa pelikulang “Kabisera.”
Nag-tie sa best actress award sina Nora at Congresswoman Vilma Santos-Recto. How true kaya ang tsika na diumano, isang voting member ng PMPC ang nag-push para si Lotlot ang manalo?
Diumano pa rin, naging mahigpit ang deliberation ng voting members tungkol kina Nora at Vilma. Deserve nila pareho ang award na iginawad ng PMPC.
‘Yung napagsama nila sa stage ang dalawa ay something to be proud of ng PMPC. Achieved!!!
Dinugo
Nag-iipon pa rin si Thea Tolentino ng pambili ng bahay na malilipatan sa QC. Gusto niyang makasama na ang kanyang pamilya nasa Biñan, Laguna nakatira.
Sa isang condo-unit somewhere sa QC nakatira si Thea at kung may free time lang siya nakakadalaw sa pamilya niya sa Laguna. Busy kasi siya sa taping ng “Haplos,” mall shows at ibang ka-“racketan.”
Ani Thea, minsan ay hindi maiwasang magkasakitan sila ni Sanya Lopez sa mga eksena nila sa “Haplos.” Sa eksenang nagsampalan at nagsabunutan sila’y dumugo ang kamay ni Thea.
Akala raw niya’y natamaan niya ang ngipin ni Sanya. ‘Yun pala’y sa hikaw nito tumama ang kamay niya. Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapansa “Haplos” na hindi dapat palampasin mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Dream
First full-length movie ni direk Giselle Andres ang “Loving in Tandem,” starring Maymay Entrata and Edward Barber with Marco Gallo and Kisses Delavin.
Dati siyang assistant director nina direk Olive Lamasan at direk Cathy Garcia-Molina. Giselle is 34 years old at 10 years na siya sa showbiz.
Naging wardrobe consultant at art director din siya. Si direk Rory Quintos ang nag-push sa kanya na subukan niya ang magdirek. Nag-training siya kay direk Olive sa “The Mistress,” “Starting Over Again” at “Barcelona.”
Nakatrabaho naman niya si direk Cathy sa “Four Sisters and a Wedding” at “It Takes a Man and a Woman.” Thankful si direk Giselle sa Star Cinema sa pagkakataong ibinigay sa kanya para mag-direk ng LIT.