By RUEL J. MENDOZA
KAPUSO actress Max Collins shared a few details sa preparations nila ng fiancé niyang si Pancho Magno para sa kanilang pinaplanong wedding.
Dream ni Max ay isang garden wedding.
“Bata pa lang ako, napanaginapan ko na ang wedding ko. Nasa garden siya at maraming flowers na magaganda.
“Hopefully, we get to achieve that kasi dream ko talaga iyon,” ngiti pa niya.
Nakikipag-consult raw si Max sa kaibigan niyang si Rochelle Pangilinan na kakakasal lang sa aktor na si Arthur Solinap.
“Rochelle gives me advises on suppliers, ano ba ang mas praktikal and all that. Gusto rin niya na happy ako sa magiging wedding ko with Pancho.”
Sa ngayon ay inuuna nila ang mga small details bago sila magdesisyon sa mas malalaki pa.
“Just like all the other decisions, we’re still trying to decide kung ano talaga ‘yung gusto namin. Pancho always lets me make the final decision.
“Kung ano ‘yung gusto ko, ‘yun ang masusunod kasi, as he said, it’s really the bride’s day. So at the end of the day, ako pa rin ‘yung masusunod. And that’s so sweet of him,” diin pa niya.
Inamin din ni Max na nagkakaroon na raw sila ng pagtatalo sa ilang mga bagay na may kinalaman sa wedding nila.
“Sa lahat ng nakakausap kong couples, ganun pala. As in, nag-aaway talaga.
“Hindi lang ‘yung gusto mo, pero siyempre kung ano ‘yung gusto ng magiging asawa mo, kung anong gusto ng pamilya mo, ng friends mo, so nakaka-stress pala siya, but exciting at the same time.
“Kailangan maraming sumusuporta sa‘yo kasi ang hirap kapag ikaw lang mag-isa, ikaw gumagawa ng lahat, ikaw nagde-decide. You need to take into consideration your guests as well.
“Ang hirap pala magplano kasi marami kang iisipin.
“You have to remember that it’s the marriage that’s important. It’s not really the wedding, and I’m telling myself this, ‘Don’t let the little things stress you out.’
“At the end of the day, isang araw lang naman ‘yun, but the marriage is forever.”
Ang sigurado sa preparations nila ay ang isusuot ni Max na bridal gown na si Francis Libiran ang gagawa.