MARAMING projects ang inilatag ng GMA7 kay Marian Rivera. Ang “Super Ma’am” ang nagustuhan niya dahil swak na swak ang role niya na isang teacher. Kung hindi raw siya naging artista, teacher ang profession niya.
Besides, may action scenes siya sa “Super Ma’am” dahil super hero rin ang karakter niya. Feeling action star nga raw siya kapag may fight scenes siya.
Gustuhin man ni Marian na mabigyan na ng kapatid si Zia dahil humihingi na raw ito ng baby brother, hindi pa nila maiplano ni Dingdong Dantes. Parehas pa silang busy sa kanilang respective teleserye, “Alyas Robinhood” si Dingdong at magsisimula naman sa Lunes (September 18) ang “Super Ma’am” ni Marian.
Anang Kapuso Primetime Queen, ayaw niyang maulit ‘yung nangyari sa “The Rich Man’s Daughter” na nabuntis siya, kaya napalitan siya ni Rhian Ramos. Nahiya siya sa GMA management, kaya tatapusin muna niya ang “Super Ma’am” bago siya magbuntis sa second baby nila ni Dingdong.
KSP
Kasama si Kristoffer Martin sa cast ng “Super Ma’am.” He plays Ace na mai-in love sa kanya ang isang diwata na ginagampanan ng ex-girlfriend niyang si Joyce Ching.
Aware si Kristoffer na napag-iiwanan na siya ng ibang Kapuso young actors. Ang BFF niyang si Derrick Monasterio ay maganda ang takbo ng career at katatapos lang nito ng “Mulawin vs. Ravena.”
Support lang si Kristoffer sa “Super Ma’am” na aniya, okey lang basta may trabaho siya. Marami ang nanghihinayang dahil kulang lang sa push ng career si Kristoffer. KSP (kulang sa pansin) lang siya dahil marami pa siyang pwedeng i-offer bilang isang aktor. Explore pa more!
Sinugalan
Sinugalan ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang tinaguriang “It Girls ng Horror Film” na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Jane de Leon, Michelle Vito at Channel Morales. Sila ang mga bida sa “The Debutantes,” directed by Prime Cruz. Siya ang nagdirek ng “Ang Manananggal sa Unit 23-B.”
Horror movie ang “The Debutantes” na biggest break ng limang millennial stars sa big screen. Naiibang kuwento ito ng katatakutan na akmang-akma sa millennials. Forte ng Regal Entertainment ang paggawa ng horror movies na sakto sa panlasa ng moviegoers. Maganda ang feedback sa social media ng trailer ng “The Debutantes” na pawang papuri ang mga komentong lumabas. Showing ito on October 4 sa mga sinehan nationwide.