By RUEL J. MENDOZA
WALANG problema sa singer-actress na si Isabelle de Leon kung kontrabida siya ulit sa bagong GMA telefantasya na “Super Ma’am.”
Gaganap siya bilang isa sa evil creatures na Tamawo.
Ang huling ginawang teleserye ni Isabelle sa GMA-7 ay ang “Magkaibang Mundo” kunsaan kontrabida siya kay Louise delos Reyes.
Ayon pa sa former award-winning child actress, pinagbubutihan naman daw niya kahit anong role na ibigay sa kanya.
“Ang importante naman po, I give my best sa role na binibigay sa akin.
“Kahit na kontrabida role pa siya, binibigay ko pa rin ang 100% na performance ko.
“Like dito po sa S’uper Ma’am,’ I play one of the evil creatures na kung tawagin ay Tamawo.
“Very interesting ang story nitong ‘Super Ma’am’ and natuwa naman ako na nabigyan ako ng pagkakataon to be part of the big cast,” ngiti pa niya.
Kasalukuyang busy sa pag-aaral si Isabelle sa Trinity University taking up Mass Communication.
Balak din niyang mag-take up ng isang film course sa University of the Philippines.
“I just finished attending a scriptwriting workshop. Gusto kong kumuha ng filmmaking course. I want to be a director for both film and TV someday.
“Dito na kasi ako sa industriyang ito lumaki. Umaarte na ako since I was 6-years old. Marami na akong nakatrabaho sa TV at sa pelikula. Maybe it’s time na ako naman ang nasa likod ng kamera,” diin pa niya.
May sisimulan din siyang bagong album sa ilalim ng PolyEast Records.
“I’ve been writing new songs at isasama ko ‘yung sa next album na gagawin ko.
“Actually I just wrote a song for the Conservation of the Philippine Eagle titled ‘Ibong Malaya’.
“Ginagamit ‘yung song ng Department of Education para sa campaign nila para nga sa pag-protect sa Philippine Eagle,” pagtapos pa ni Isabelle.