BALIK-PELIKULA si Aga Muhlach after six years. Huli siyang napanood sa “In The Name Of Love” with Angel Locsin in 2011 under Star Cinema. Opening day ngayon sa mga sinehan nationwide ng comeback movie ni Aga, “Seven Sundays,” also under Star Cinema.
First time niya katrabaho sina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil at si direk Cathy Garcia-Molina.
Magkakapatid silang apat sa pelikula at si Ronaldo Valdez ang kanilang tatay. Nakatrabaho na niya ang huli sa ilang projects na ginawa nila noon.
Ani Aga, kinabahan siya, pero masaya at excited siya katrabaho ang mga ito. “They are all very nice and supportive.
Mabiro si direk Cathy, palamura nga lang (laughs). She knows the genre very well and she inspires us to be the best in giving life to the characters that we are playing,” wika ni Aga.
Ayon naman kay direk Cathy, nakaka-tense katrabaho si Aga. Best actor kasi at mas experienced than her, kaya may hiya factor siya.
Grateful siya na nagtiwala sa kanya si Aga para mawala ang kanyang hiya at inhibitions.
Idol
May mga movie offer noon kay Aga, pero tinatanggihan niya. Love stories kasi na aniya, hindi niya magagawa dahil overweight siya. Nang i-offer sa kanya ang “Seven Sundays,” nagustuhan niya ang script.
Walang requirement na kailangan niyang magpapayat for his role. “Makikita n’yo sa pelikula na mataba ako,” he said.
Inamin nina Dingdong Dantes at Cristine Reyes na fans sila ni Aga. “Idol ko si Aga. I am a fan of him as an actor.
I’m grateful working with him. I’m more than a fan of him as a person. Ipinadama niyang kuya siya talaga sa akin,” pahayag ni Dingdong.
“Fan din ako ni kuya Aga,” sabi naman ni Cristine. “Mas lalo akong humanga noong nagkatrabaho kami. Ang bait niya, very humble at hindi niya ipinaramdam na Aga Muhlach siya.”
Nagpasalamat naman si Aga na aniya, flattering and embarrassing ang mga sinabi nina Dingdong at Cristine. As an actor, wala siyang kinainggitan noong baguhan pa lamang siya.
Siya raw ang kinainggitan ng ibang aktor na aniya, “Wala na sila ngayon. Sabi ko noon sa sarili ko, kapag nagkapuwang ako sa showbiz, hindi ko gagawin ang ginawa sa akin (ibang aktor). Hindi ako mambabastos at irerespeto ko sila.”