AYAW makatrabaho noon ni direk Cathy Garcia-Molina si Dingdong Dantes. May napanood siyang isang pelikula ni Dingdong na sa isang eksena’y sumigaw ito. “Ayoko sa artistang ito. Ayoko siyang makatrabaho,” nasabi niya sa kanyang sarili.
Nang nagkatrabaho sila sa “Seven Sundays,” naging fan siya ni Dingdong, pag-amin ni direk Cathy. “Magaling pala siya,” she said. “Lumebel siya sa pelikulang ito. Wala siyang attitude at never siyang dumating sa set na parang pagod o ayaw magtrabaho.”
Ang “Seven Sundays” ang pang-walong pelikula ni Dingdong sa Star Cinema. Huling pinagbidahan niya ang “The Unmarried Wife” in 2016 with Angelica Panganiban.
“It feels so great to be back in Star Cinema. Lagi akong looking forward to working with Star Cinema because I’m assured of both the high quality and commercial success of every movie that I do with them,” ani Dingdong.
Dagdag pa niya, “It’s an honor to work with direk Cathy. She is known for blockbuster romantic comedies. Tagahanga ako ng mga pelikulang ginawa niya. She did extremely well in directing us in this family movie.”
Nagpahayag naman si direk Cathy na after two years ay mag-re-retire na siya. Gusto niyang bigyan naman ng atensiyon at panahon ang kanyang mga anak.
Dalawang pelikula pa ang gagawin niya, isang pagbibidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla at isang tatampukan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pang-20th movie ni direk Cathy ang “Seven Sundays.”
Wish lang ng bidang si Aga Muhlach na makagawa muna sila ni direk Cathy ng isang teleserye bago ito mag-retire. Sa Baguio ang gusto niyang location para malamig ang klima.
Second time
Second time ni Enrique Gil katrabaho si direk Cathy Garcia-Molina sa “Seven Sundays.” Una sa “My Ex and Whys” last February this year with Liza Soberano.
“Sobra akong saya at thrilled na nakatrabaho ko uli si direk Cathy. Hindi natatapos ang learning tuwing kasama ko siya.
First time naman ni Enrique nakatrabaho sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez. “Marami akong natutunan sa kanila,” he said.
Isang family dramedy ang “Seven Sundays” tungkol sa apat na magkakapatid na hindi magkakasundo. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide.