SA Oct. 21 & 22 ang “R3.0” anniversary concert ni Regine Velasquez-Alcasid na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
Darating today ang ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle van Eimeren para manood ng first night concert.
Kinabukasan (Oct. 22), balik na agad si Michelle sa Australia. Nangako kasi siya kay Regine na manonood ng concert nito.
Marami ang humahanga at may nawe-weirduhan sa set-up nina Regine, Ogie at Michelle. Ani Regine, talagang nag-e-effort sila na maging maayos ang kanilang samahan para mag-work.
Maayos din ang samahan ni Regine at stepdaughter niyang si Leila (anak nina Ogie at Michelle) na nakatira sa kanila ni Ogie. “Leila is a good girl,” ani Regine. “Napi-feel ko ngayon ang maging parent sa isang 20-year old girl.”
After ng “R3.0” concert ni Regine, may US concert tour sila ni Ogie. Billed “Mr. & Mrs. A,” hanggang Nov. 12 ‘yun.
Hopefully next year ay gagawa uli ng teleserye si Regine. Ayaw niya ng drama dahil nalulungkot siya pag-uwi niya ng bahay. Nadadala niya ang karakter o eksenang ginawa niya.
Wala pang label
Kasama sa cast ng “Spirit of the Glass: The Haunted” sina Ash Ortega at Enrico Cuenca, stars ng “Super Ma’am.” Nag-enjoy sila sa paggawa ng naturang horror movie at kakaibang experience ang naranasan nila.
Unang nagkasama sina Enrico at Ash sa isang fast food chain commercial. Then, sa “Super Ma’am” kung saan maarteng estudyante ang role ni Ash. Isang Math teacher naman si Enrico. How true, may tuksuhang nagaganap sa set?
Kasama nina Ash at Enrico sa “Spirit of the Glass” ang kapwa Kapuso stars nilang sina Benjamin Alves at Janine Gutierrez. Sa isang presscon, itinanggi ni Janine na “sila” na ni Rayver Cruz. They go out, pero wala pang label.
Chos!
Kapuso na
May fans na sa Pilipinas ang Korean actor na si Alexander Lee, ang Xanderettes Fans Club. Nag-organize ang mga ito ng charity event at nag-enjoy si Alexander sa pakikipaglaro sa mga less fortunate children.
Tumulong din siya sa pagpapakain sa mga bata. Nag-e-enjoy si Xander sa stay niya sa Pilipinas at naghahanap siya ng bahay na matitirahan. Sa isang hotel siya namamalagi habang nasa bansa.
Kamakailan ay pumirma si Xander ng kontrata sa GMA Artist Center at wish niyang after “My Korean Jagiya” ay may kasunod agad siyang project sa Kapuso Network.