By: PIA
Hinihingi ng Philippine Army ang tulong ng mga lisensiyadong Psychometricians sa bansa na tumulong sa pag-agapay ng mga sundalong lumaban sa pagpapalaya ng Marawi, na nakakaranas ngayon ng Post-Traumatic Disorder.
Ayon kay Army Chief Major General Rolando Bautista, mayroon ngayong 15 sundalo na may post-traumatic disorder at matapos ang labanan sa Marawi ay lahat ng 6,000 sundalo na naroon ay sasailalim sa dalawang linggong debriefing.
Kaugnay nito, inilahad ni Bautista na bukod sa pagtitiyak na patuloy na magkakaroon ng makabagong kagamitan ang mga kasundaluhan ay prayoridad din ng administrasyong Duterte na magkaroon ng malawakang modernisasyon sa lahat ng mga ospital ng militar sa buong bansa.
Aniya, gusto ni Pangulong Duterte na makumpleto lahat ng gamit na kailangan ng isang ospital para gamutin at maagapan ang buhay ng sundalo.
Partikular aniya siya sa pagbili ng hyperbaric para sa mga sobrang sugatan at mga X-Ray machines.