By: Ruel J. Mendoza
HINDI nagdamot ng konting impormasyon ang singer-actor na si Kean Cipriano tungkol sa magiging wedding nila ni Chynna Ortaleza sa November.
Hindi raw extravagant ang wedding nila dahil iyon daw ang gusto nila ng misis niyang si Chynna.
“It’s a very simple wedding. Very intimate. Mga family members namin at mga close friends.
“Yun kasi ang gusto rin ni Chynna. She’s been personally attending to every detail of the wedding. Hindi ito ‘yung uso ngayon na big showbiz wedding na milyon-milyon ang halaga. Hindi kami gano’n kasi.
“All we want is the proper blessing of the sacrament at ma-share namin ang moment na iyon with our families and friends,” ngiti pa ni Kean.
Nataon na November ang anniversary month nila ni Chynna. Kaya tamang-tama raw na gawin na nila iyong matagal na nilang pinaplano.
“We got married civilly last year. Marami ang nagulat talaga na we got married at akala nila biglaan.
“Pero it’s not because naging quiet lang kami ni Chynna with our relationship kaya marami ang nagsabi na, ‘Uy bakit ang bilis naman?’
“Nasabi ko noon sa sarili ko, when I meet the right girl, siya na ang pakakasalan ko.
“And Chynna is that girl – she is the one and now she’s the mother of our daughter Stellar,” pagmamalaki pa ni Kean.
Hindi lang nabanggit ni Kean kunsaan ang venue ng wedding nila for security reasons.
“Wala sanang magtampo from the media. Pero siyempre, alam naman ninyo, we want to feel that moment with the people we love.
“We hope that our friends from the media will understand ‘yung wish naming dalawa ni Chynna.
“Ise-share naman namin sa social media ang mga photos and videos soon! Kaya paki-like at pusuan n’yo naman,” tawa pa ni Kean na mina-manage na ngayon ng Cornerstone Talent Management Center.