By MELL T. NAVARRO
KASALUKUYANG umaarangkada ang Pinoy independent film na “Mga Gabing Kasinghaba Ng Hair Ko” sa Busan International Film Festival sa Busan, Korea.
May international title na “Those Long Haired Nights” ng Epicmedia Productions, a few days ago lang ay lumipad ang production people nito sa Busan, Korea, kasama ang dalawa sa tatlong lead actors ng pelikulang sina Matt Daclan at Anthony Falcon.
Nag-world premiere nga ang pelikulang ito ni Direk Gerardo Calagui sa nasabing annual international filmfest, kunsaan sinasabing “suki” na rin ang Pinoy films for a some years now.
Last Oct. 15 ang unang screening na ginanap sa CGV Centum City 6.
Ang next two screenings ay gaganapin tonight, 7 p.m. sa Lotte Cinema Centum City 7, at sa Oct. 20, 2 p.m. sa Megabox Haeundae (Jangsan) 3 sa Korea.
Maliban kina Matt at Anthony, kasama sa Philippine entourage representing the movie si Direk Gerardo, producers na sina Bianca Balbuena at Bradley Liew, executive producers na sina Manuel “Manny” Marinay at Mabel Mamba, at supervising producer na si Neil Maristela.
Ang “Mga Gabing Kasinghaba Ng Hair Ko” ay kuwento ng tatlong Pinoy transgender/transvestites sa Burgos St., Makati City na sinasabing based sa real stories ng mga “trans” hinango ang pelikula.
Kahit mga tunay na barako, naging malaking challenge para sa mga actor (isa sa mga bida rin si Rocky Salumbides, na solo ang mukha sa poster) para magdamit babae, with matching hair and make-up and heels.
Si Mon Confiado ay may important role rin sa pelikula bilang isang bugaw ng tatlong “trans.”
Ang #ThoseLongHairedNights ay may Philippine premiere sa darating na QCinema 2017 slated to be held on Oct. 19-28 sa mga sinehan sa Quezon City.