by Chinkee Tan
Have you experienced pain? Have you been hurt?
May nanira ba sayo? Pinagtaksilan ka ba? Nagsinungaling na sayo? Nangutang at nangako pero hindi na ngayon makita. Naka-block ka pa sa FB account niya.
Maraming klaseng pain, but I believe, ang pinakamasakit na pain hindi yung physical but the emotional pain. Hindi mo siya nakikita. Wala naman sugat o pasa, pero ito ay nararamdaman.
Alam niyo ba, imbis na hayaan natin na itulak tayo sa sama ng loob, poot, galit, at minsan depresyon, may maganda rin tayong mapupulot sa gitna ng ating pagdaramdam.
PAIN MAKES US WISER
Why wiser?
Since tayo ay nagtiwala ng husto, ngayon alam mo na kung sino ang dapat pinagkatiwalaan mo o hindi.
Alam mo na kung sino lang ang gumagamit sayo o mga tunay mong kaibigan. Alam mo na rin na hindi mo pwedeng pagkatiwalaan kung ano ang nararamdaman mo. Dapat mo rin gamitin ang tinatawag natin common sense at matutong mag tanong sa sarili.
“Bakit siya mabait sa akin?” “Meron ba itong agenda?” “Meron ba siyang hinihinging kapalit sa kabutihan na kanilang pinakita?”
PAIN MAKES US STRONGER
Why stronger? Dahil titibay ka at lalakas ang iyong pagkatao.
Habang nasasaktan dapat lalong tumitibay. Kaya’t may kasabihan, “No pain, no gain.”
We gain experience. We gain knowledge. We gain emotional and mental strength.
PAIN MAKES US BETTER
Why better? Gamitin mo itong mapait mong karanasan para mas maging mapanuri, hindi ka lang sugod ng sugod. Hindi mo hahayaan na mag paggamit sa mga taong manggagamit.
You become a better version of yourself. Gamitin mo itong karanasan nito bilang isang proseso ng iyong pag-uupgrade sa iyong pagkatao.
Kaya’t imbis na mainis sa mga taong nanakit at nang gagamit sa atin, dapat natin gamitin itong pagkakataon na ito para matuto sa laban na buhay. Lumaban tayo at bumawi at huwag magpatalo.
THINK. REFLECT. APPLY.
May pinagdadaanan ka ba? Are you still in the moment of pain or nakaka move on ka na? Ano ang natutunan mo sa experience na ito?
PAINS in life make us WISER, STRONGER, AND BETTER.
Grab my latest book “Diary of a Pulubi” 22 Money Lessons on How To Avoid Going Broke. To know more about it, please visit http://bit.ly/2yPVcDf.