Tabi-tabi na kayo, mga matinee idols, mga boy next doors, dahil may mga kakabog na sa inyo.
Mga katropapips uso na naman ang kanta ni Andrew E na “Humanap ka ng Panget” este uso na naman yata ang mga artistang hindi masyadong nabiyayaan ng magandang looks.
Lately ito ngang si Empoy Marquez ay pumalo sa takilya ang pelikula niyang “Kita Kita” na romantic comedy film.
Malamang maraming nakarelate at nagpangiti sa karamihan na may pag-asa pa talaga.
Naging instant sikat kaagad si Empoy Marquez sa pelikulang ito na maganda rin naman kasi ang naging feedback ng mga moviegoers at maging ang materyales ng pelikula sa tulong na rin ng magaling na aktres na si Alessandra de Rossi at mga bumubuo ng pelikula. Matagal na ring komedyante si Empoy, nagsimula siya noong 2003 nang manalo siya ng Mr. Suave look-alike contest ng defunct show ng tanghali na “Magandang Tanghali Bayan” ng ABS-CBN.
After the blockbuster movie na “Kita Kita” may follow up movie kaagad si Empoy ang “The Barker (Don’t Know What To Do) na katambal si Shy Carlos.”
Sa ngayon pinagkukumpara ng mga netizens sila Empoy at Marlou Arizala na dating member ng Hasht5 na naging internet sensation dahil sa pagbabagong anyo ng huli.
Pasabog ang pagpaparetoke ni Marlou na kalauna’y naging Xander Ford. Bumibilang ang mga likes sa social media sa pagbabagong hitsura niya. Yun nga lang, may mga pumupuna sa kayabangan ni Xander Ford.
May humabol pa sa katauhan naman ni Jerald Napoles isang theater actor/comedian na minsan ding lumabas sa musical stage play na “Rak of Aegis.” Napapanood din siya sa “Sunday Pinasaya” ng GMA 7. Trying his luck, mayroon na rin siyang biggest break at ito ang pagbibida sa movie na “The Write Moment” na katambal si Valeen Montenegro. Ang tanong right moment na kaya niya ito? Ang movie ay isa sa official entries sa 2017 QCinema International Film Festival, na tatakbo mula Oct. 19 to 28, 2017.
Sa huling dalawang nabanggit magiging kaparis din kaya ang destiny nila kay Empoy Marquez na ngayon ay sikat na? Kay Empoy magiging tuluy tuloy kaya ang suwerte at kasikatan na tinatamasa niya ngayon?
Ano may hahabol pa ba? Ikaw humabol ka na! Watch out na lang tayo kung sino sa kanila ang magiging next Rene Requiestas na naging popular sa role na Cheeta-Eh na umarangkada ng husto sa showbiz industry noong 90’s. Kaya kahit saang bagay huwag mawalan ng pagasa basta pursugido at dedicated. Malay mo it’s your time to shine na. (Dante “Danz” A. Lagana)