BY: Chito Chavez
Inilunsad ng mga detainees at political prisoners sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, ang isang signature campaign na nagpapahayag na kanilang pagkabalisa sa lumalaganap na drug-related killings sa bansa.
Ang petition na nanawagan na wakasan ang ang sunod-sunod na pagpatay ay suportado ng iba pang detainees na may kinakaharap na drug cases.
Ang petition ay pinangunahan ng mga babaeng political prisoners sa Taguig City Jail – Female Dormitory in Camp Bagong Diwa, Taguig City.
“Nais naming ipaabot sa mga kinauukulan na nagpapahalaga at tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayan ang aming mariing pagtutol sa malaganap na pagpaslang, lalo na sa mga menor-de-edad at sa malawakang paglabag sa karapatan ng mamamayan na mapasailalim sa tamang proseso ng batas,” ayon sa petition.
Nilagdaan ang petition ng 314 female inmates mula sa Taguig City Jail – Female Dormitory at 433 detainees mula sa Male Dormitory.
Sinimulan ang naturang initiative noong September 21, 2017 at iniikot sa male at female dormitories sa Camp Bagong Diwa.
“The victims of the drug war also include those who have been illegally arrested, and even the latter are standing up to condemn how this campaign is taking shape. A consolidated voice to condemn the continuation of the war on drugs is a blow to the Duterte regime’s unabated defense of this fascist policy. This also amplifies the call for Duterte and his police force to be accountable to the scores of urban poor communities brutalized by this campaign. From inside prison cells, the clamor for justice increases,” pahayang ng political prisoners sa Camp Bagong Diwa.