NGAYONG Oktubre, handog ng GMA Network ang bagong inspiring program na siyang magdadala sa atin sa buhay na puno ng inspirasyon at ang pagpapahalaga sa buhay.
Ito ay ang monthly drama anthology na “Stories for the Soul.”
Ipapalabas sa naturang programa ang mga istorya inspired by characters and stories from the Bible, na siyang tinatawag na “greatest book ever written.”
The inspirational drama anthology is presented by none other than Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao na nakaranas din ng hindi madaling buhay noong nagsisimula pa lang siya at ngayon ay isa na siyang matatawag na life survivor.
Sa programang ito ay makikita ang spiritual growth ng kinilalang Pambansang Kamao.
Para kay Sen. Manny, isang masakit at mahirap na proseso ang pinagdaanan niya sa kanyang buhay, pero ito ang naghatid sa kanya sa masaya at masaganang buhay niya ngayon at ng kanyang pamilya.
“There was a time na nadapa tayo at nagkamali, pero ang Panginoon ang nagbigay sa akin ng conviction. Yung change of heart ko, Siya ang may gawa. Binago niya ang puso ko. He made me understand that everything has a reason.
“Palagi ko ngang sinasabi ‘Who am I, Lord, kung wala ka?’ Kasi siya talaga ang nagdala sa kung nasaan man ako ngayon. I believe that He put me this far for a purpose and that purpose is for me to glorify His name.”
Maghahatid ng pag-asa ang bawa’t kuwento na mapapanood sa “Stories For The Soul” na siyang magiging inspirasyon sa maraming tao.
Kapuso Network’s boy band T.O.P. ang siyang umawit ng heart-warming original sound track ng programa na may titulo na “Mararating Din.” Ang bawa’t episode ng programa ay hinawakan ng mga mahuhusay na directors ng industriya.
Magsisimula ang “Stories For the Soul” mamayang 10:20 p.m. on GMA. (Ruel J. Mendoza)