Inulan ng bala at namatay sa kamay ng motorcycle riding-gunmen ang isang traffic enforcer ng Manila noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Arnel Celis, 54, kawani ng Manila Traffic Parking Bureau.
Ayon sa investigation, palihim na sinundan ng mga suspect ang biktima habang pauwi sakay ng kanyang motorsiklo.
Pagdating sa kanyang bahay sa Tondo, Manila, pinaputukan ng mga suspect na sakay din motorcycle ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Dinala ang biktima ng kanyang pamilya sa hospital kung saan siya binawian ng buhay.
Inaalam na ng mga police ang motibo ng insidente.
Samantala, patay si Arthur Fabia, 43, isang barbero matapos siyang pagbabarilin sa barber shop na kanyang pinaglilingkuran sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng putok ng baril at nakita na lamang niya ang biktima na duguan habang nakaupo sa barber’s chair. (Analou de Vera with a report from Alexandria Dennise San Juan)