KIDAPAWAN CITY – Himas rehas ngayon dito ang isang lalaki makaraang idiin siya ng sariling asawa sa pamamaslang ng bago nitong kinakasama.
Ayun kay Supt. Jonathan Mayores Tangonan, North Cotabato acting police director, namatay sa tama ng baril sa leeg si Dominador Beltran, 41, habang binabagtas nito lulan ng kanyang motor ang isang bahagi ng highway sa Mlang, North Cotabato, kasama si Lilibeth Fernando Glory.
Positibo ang nakaligtas na si Lilibeth na ang naka-motorsiklong salarin na bumaril kay Beltran ay walang iba kung hindi ang sarili niyang mister na si Leo Plaga Glory, 45, na agad namang nahuli ng pulis sa bahay nito ilang oras lamang makaraan ang insidente.(Ali G.. Macabalang)