UMALIS patungong Japan last Thursday sina Christopher de Leon at Sandy Andolong para suportahan ang anak nilang si Mariel na magku-compete sa Miss International 2017 this November.
Anang aktor nang nakausap namin sa pictorial ng upcoming GMA primetime series, mas excited pa siya kesa kay Mariel. He’s keeping his fingers crossed na manalo ang kanyang anak.
Ang tatlong lalaking anak nila ni Sandy na sina Rafael, Gabriel at Miguel ay nasa abroad. Sina Mariel at ang bunsong si Mica ang kasama nila sa bahay sa BF Homes, Parañaque.
Napag-uusapan daw nila ni Sandy na ipagbili ang bahay nila at tumira na lang sila sa isang smaller place. Masyadong malaki na raw para sa kanila ang tinitirahan nilang bahay.
Naiisip nila ni Sandy na eventually, kapag nag-asawa na sina Mariel at Mica ay bubukod na rin ang mga ito ng tirahan.
Nahihilig ngayon si Christopher sa pagtatanim ng mga fruit-bearing trees. Meron siyang 700 trees sa farm niya sa Iba, Zambales.
Samantala, isang doktor na may-ari ng isang hospital ang role ni Christopher sa upcoming GMA primetime series. Anak niya si Marvin Agustin na isa ring doktor ang role.
Semi-retired
Dahil dabarkads si Paolo Ballesteros, pumayag si Joey de Leon maging bahagi ng “Barbi D’ Wonder Beki.” Ani Joey, semi-retired na siya sa paggawa ng pelikula, pero pumayag siyang suportahan si Paolo.
Besides, si Tony Reyes ang direktor na parang kapatid niya. Si Joey ang original na gumanap na Barbi sa pelikula na nagkaroon ng three parts. Si Reyes din ang direktor.
Huling “Barbi” movie na ginawa ni Joey ay noong 1995. Aniya, mas maganda sa kanya si Paolo. Ito ang pinakamaganda at pinakamagaling sa mga lalaking nagbababaeng karakter.
Di pa rin makapaniwala
May pressure kay Paolo ang pagganap bilang Barbi dahil kinalakihan na ng moviegoers at tumatak sa isipan nila na si Joey de Leon ang nagpasikat sa karakter na ito.
“Hindi ko naisip na gagawa ako ng ganitong pelikula. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbibida na ako. Ang tagal ko na sa ‘Eat Bulaga,’ pero ngayon lang ako nabibigyan ng lead roles sa pelikula,” ani Paolo. Una siyang nagbida sa “Die Beautiful” kung saan nanalo siya ng award here and abroad.